Unusual but with Sense
Queer and Fun
Questioned by others but Loved by many Full of Heart and Humor
A new Age and Complex Love of 2 Mature Guy in this Rude and Crazy Planet.
Welcome Aboard..
Catching Elephant is a theme by Andy Taylor

“Kriiinnnggggg !!!”
Sigaw ng alarm clock. Alas siyete ng umaga. Ni hindi natinag sa pagkakahiga ang kanina pang gising na si Robert. Pinilit niyang abutin ang maingay na alarm sa side table habang nakadapa sa kama.
“Puta, nahulog pa”, inis na sabi nang bumagsak ang orasan sa konkretong sahig ng kwarto.
Tumihaya siya. Pinagmasdan ang mantsa na dulot ng ulan sa kisame, habang hinahawi ang buhok na dalawang buwan ng hindi nagugupitan. Huminga siya ng malalim. Ilang minuto ang lumipas. Sa katahimikan ng umaga, napansin niya ang mga alikabok na lumulutang sa sinag ng araw na nanggagaling sa bintana sa may ulunan ng kanyang kama. Hinipan niya ito. Nagulo ang mumunting dumi sa kanilang paglalakbay sa liwanag ng umaga. Inulit niya ang pagihip. Napangiti sa ginagawang walang kabuluhan.
“Hahaha! Anung ginagawa mo?” Galing sa upuan sa may paanan ng kama.
Hindi sumagot si Robert. Patuloy sa ginagawang paglalaro ng hangin.
“Di ka na naman nakatulog no?” Patuloy ng nasa upuan.
Tinitigan siya ni Robert. Di ito nagsalita.
Ngumiti ang kausap. “Ako na ang nagkusa ha”, tuya nito. “Alam mo namang masigla ako pag kasama kita. Pakiramdam ko star ako pag magkatabi tayo. Binibigyang buhay mo ang araw ko pag .. ” naputol ang sasabihin niya ng biglang umimik si Robert.
“Ayoko na. Di na tama eh”, halos na pabulong na sabi ng lalaki.
“Alam ko na di mo kaya Bert. Magkasangga tayo di ba? Ako ang nasa tabi mo pag may problema ka. Sakin ka lumalapit pag stress ka sa trabaho.”
Tumigil ito sandali at tumuwid ng pwesto. Inayos nito ang itim na sinturon at hinaplos ang maputing balat. Tumitig kay Robert. Nangaakit.
“Di mo ba namimiss ang mga gabing tayo lang dalawa? Kung paano mo sinisisib ng halik ang aking kabuuan sa tuwing umuulan? Kahit syota mo, hindi kayang ibigay ang mga kaya ko. Langit Bert! Langit!”
“Tumigil ka na!!” , sigaw ni Robert sa kausap.
Bumangon ito at umupo sa gilid ng kama. Nakasapo ang dalawang kamao sa ulo na tila ba gusto ng bumagsak sa sahig ng kwarto. Napansin niya ang kani kanina lang ay nahulog na orasan. Sampung minuto bago mag-alas otso. Mainit na sa loob ng silid dulot ng tindi ng sikat ng araw na pumapasok sa bintana ng silid. Unti-unti niyang naaamoy ang kamang ni minsan ay di niya pinalitan ng sapin. Pinagpapawisan siya sa pinaghalong galit at irita sa kausap.
“Ah ganon? Sino kaya ang unang lumapit sa ating dalawa? Nananahimik ako nun sa may karinderya malapit sa skul. Nang inudyukan ka ng mga katropa mong pala absent na lapitan ako at magpakilala. Mula nun, lagi mo na akong hinahanap. Oi Bert, ikaw ang nagsimula ng relasyon natin.” Galit na ang boses ng nasa upuan.
“Kailangan natin ang isa’t isa Bert. Kailangan kita para mabuhay.”, sumamong tinig pa nito.
“Umalis ka na!! Ayaw ko na sa’yo!! Pwede ba lubayan mo na ako!” Mahigpit na tinakapan ni Robert ang tainga na tila ba ayaw ng marinig pa ang sasabihin ng kausap.
“Please umalis ka na!! Umalis ka naa!!” , malakas at paulit-ulit na sabi ng lalaki na para bang isang kanta.
Napaubo si Robert. Nanuyo ang bibig sa kakasigaw. Humihingal siyang tumakbo palabas ng kwarto na tila ba may tinatakasan. Humangos na tinungo ang ref, binuksan ito at uminom ng tubig na parang asong hayok, mula sa pitsel. Napaupo siya sa sahig at dinama ang lamig ng hangin na nagmumula sa refrigerator. Napapikit siya. Hinayaang tangayin ang diwa ng lamig sa kinasalumpakang lugar.
“Hindi mo ko kayang takasan Bert. Alam ko na alam mo yan”, sabay ngisi ng kanina ay nasa upuang kausap ng lalaki.
Humugot si Robert ng isang malalim na hinga. Tinitigan ang kausap. Alam nya sa sarili nyang hindi siya nito tatantanan.
Pinagmasdan niya ito ng ilang minuto. Nilapitan. Tinitigan ang maputing katawan na nagdulot ng nginig sa kanyang kalamnan. Buo buong butil ng pawis ang tumutulo mula sa kanyang mukha. Unti unti niyang inilapat ang nanginginig na daliri sa maliit na katawan ng kausap. Iniangat ang munti nitong kabuuan palapit sa kanyang labi. Inihimpil niya iyon dun ng ilang minuto. Kinuha niya ang posporo sa bulsa ng salawal na suot. Saka niya “Siya” sinindihan.
Nakaramdam siya ng kakaibang katahimikan sa unang hithit at buga ng usok. Langit. Alam nyang kawangis ng kanilang pagtatagpo ay langit. Kalmado na ang paligid. Bumagal na din ang tibok ng puso nyang kanina lang ay nakikipagkarera sa kung sino.
Isang kilalang boses ang nagsalita.
“Sabi na nga ba at di mo kayang tiisin Bert.”
Di na nakuha pa ni Robert na pansinin ang narinig. Dinama na lang niya ang kaligayahan ng sandali, na kanina lang ay kanyang nilalabanan.
Bumulong si Robert sa sarili.
“Huli na ‘to. Pagkatapos nito, mumurahin na kita sa isip ko.“
Saka niya pinakawalan ang huling usok sa hangin na humalo sa mga alikabok na patuloy na naglalakbay sa tindi ng sikat ng umaga.
Drops… Tiny drops of rain falling in my toes
Coming from the drippings of water from my umbrella
The sky is sobbing… I can see it, I can feel it.
Many faces; small, big, dark, bright passing by.
I’m standing here.
Noises of vehicles are ringing my ear.
Student are running for lunch, one step on me. Darn.
The sky is still sobbing… I can see it, I can feel it.
Many faces; small, big, dark, bright passing by.
Still, I’m standing here.
The wind is blowing hard now, but still, many vendors line up beside me, sometimes smiling.
One offer me a cigarette. Do i look like I’m smoking? Sigh.
The sky is continuously sobbing… I can see it, I can feel it.
Many faces; small, big, dark, bright passing by.
Yet, I’m still standing here.
Darkness is eating the place. Streetlight starting to illuminate the ground.
Many walking roofs, different kind, different color, different owner.
A smell of mushroom soup tingles my smell. It’s dinner time.
The sky is still sobbing, much darker than before… I can see it, I can feel it.
Many faces; small, big, dark, bright passing by.
And still, I’m standing here.
I’m chilling now. My knee is aching. Everybody’s home.
Is the sky insulting me or showing pity on me?
My toes are soak in water.
The clouds above is still sobbing… I can really feel it. I can see it.
Faces? There’s no faces anymore. It’s me alone.
And … I’m still standing here.
I think I should walk home.
I think he’s not coming
Anymore.
alone,
imagining,
wishing.
lying here in my bed doing nothing.
smiling a bit,
just a bit.
i can’t explain my feeling.
i’m bruised inside.
“why do you have to leave?”
“why now?”
“now that i love you”

“i can’t go on now.”
“i know something in me stops.”
still lying, staring at the ceiling with turbid tears,
while holding everything that is you.
alone,
imagining,
wishing,
now,
dying,
in pain.
hindi na maitatago pa
ang kaligayahan ko sinta
araw-araw na kapiling ka
langit ang aking nadarama
i love you.
do you also love me?
you’re all i ever wanted.
did you ever want me?
you run on my thoughts.
everyday,
every single fucking day.
why do i always need to go
through this difficult roads of thinking?
just say yes,
and i’ll be more than ok.
ititigil na kita
pero di ko makaya-kaya
anu ba ang meron ka’t
nahuhumaling sa’yo sinta
tatakbo tayo
pupunta sa palasyo na tayo lang ang tao
ako ang hari, ikaw ang reyna
ang saya di ba?
tatakbo tayo
palayo sa mundong nakagisnan
mundo na kay dali tayong husgahan
tara na mahal..,tahan
tatakbo tayo
lilipad kasama ang apoy sa hangin
na pinanapawi din ng ambon sa takipsilim
mahal, kamay ko ay hawakan ng madiin
tatakbo tayo
kahit malabo at hindi pede
ang panaginip ang gagawin kong karwahe
mahal, pumikit na at malayo pa ang byahe
tatakbo tayo
malayo sa totoo
mahirap intindihin mahal, alam ko
ang mahalaga ay ikaw lang at ako
“A wooh…hu…La la la la la…”
Inaaliw ang sarili, sa paghimig ng ilang linya ng kanta.
Himig… para malimutan mga alaala mo,
na patuloy dumadalaw… sumisiksik … nagmumulto sa isipan ko.
“Waaaaaahhhhhhhhh!”
Sigaw ng isang tanga … tinanga … nagpakatanga.
Sigaw na di maririnig ng pangkaraniwang tenga
Di galing sa bibig… galing sa isang malungkot na kaluluwa… AKO!
Umiiyak … nagdadalamhati.
“Brownout!?”
Maadilim … nilalamon ng dilim ang katauhan ko.
Dati rati, hindi ganito … puno ng ilaw, makukulay na ilaw!
Ngunit pag-alis mo … napundi lahat,
Nasira … sumabog … nagkalat ang bubog.
Bubog na tumusok sa aking dibdib …
Masakit … Naapakasakit!
“Ayo’ko dito”
Gusto ko nang umalis, wala ng kwenta ang lugar na ito.
Kala ko noon, habambuhay na akong titira dito
Hindi pala… Mali ako.
Pero ilang parte ng aking katawan nang ayaw umalis,
Dahil nararamdaman pa kita … ang mabango mong hininga.
Ang mainit mong yakap.
Pero hindi … wala ka na … wala ka na? … wala ka na talaga!
“Asan ka?!”
Bakit ang dali mo nahanap ang daan palabas?
Ako, hindi ko makita … gusto ko ng makaalis!
Bumalik ka … tulungan mo ako.
Tulungang makawala sa noo’y ginawa nating mundo,
Na nabasag ng dahil sa paglisan mo … pagiwan mo!
“Pakawalan mo ako!”
“Pakawalan mo kami ng puso ko!”
“If roses grow in Heaven, Lord
Please pick a bunch for me.
Place them in my Grandmother’s arms
And tell her they’re from me.
Tell her I love her and miss her,
And when she turns to smile,
Place a kiss upon her cheek
And hold her for a while.
Because remembering her is easy,
I do it everyday,
But there is an ache within my heart
That will never go away.”
-Anonymous-
JL’s grandma passed away. Please let’s all pray for the repose of her soul
adobo
may laurel
at ilang butil ng paminta.
mabango. maswerto ako sa isang cook na tulad mo
laptop mu
malikot na kamay at pagiisip.
hinala.
click..
click..
isa pa..
madilim, di ko akalain
****ng na!
Labas.
yosi.
isa pa.
Luto na ang adobo. mabango,
pero di na katulad kanina.
Sigaw.Alingawngaw
Lumilipad na Baso.
Pinakpakang maong at tshirt.
Tahimik.Mag-isa.
Ulan.
Mula sa kisame.
Mula sa ipod. paborito mung kanta.
Hikbi.
Lakad.
Sa tindahan.
tanduay ice at yosi.
Sakit. Napaso ako.
Mas masakit. Naglaro ka.
Isip.
Inom.Hithit.Buga.
Cellphone.
Takatak ng Keypad.
Sorry?
Na naman?
Ako ulit?
Mahal eh.
Cge na nga.
Kaya ko pa naman
Kaya pa ba?
Tiis na lang.
ulit?
Eto ka na.
Ismid.Mataas?
Kasalanan ko pa?
Cge na.
Di ko kaya e.
Na dingding ang kalampungan.
Na unan ang kahalikan.
Ako na.
Sorry na.
Naman.
Buntong hininga.
Panu sasabihin.
E pipi’t bulag ako.
Sa Pagmamahal sa’yo
august 13, 2010
i arrived home at 2:30am
took a bath at 2:35am
brushed my teeth at 3:00am
went on bed at 3:12am
set the alarm at 3:13am
thought of you at 3:15am
.
.
.
.
.
stood up and drink a glass of water at 4:02am
back to bed at 4:05am
you crossed my mind at 4:07am
.
..
…
….
…..
……
…….
i didn’t know why…
you were so sweet 2 days ago
today
and it seems like you dont know me at all..
still awake at 4:47am
went to pee at 5:09am
went back to bed at 5:12am
was still thinking at 5:22am
alarm rang at 5:30am
.
..
…
….
…..
……
im at work…
droop eyes..
uncomb hair..
still thinking about you and your unpredictable ways..
-monchito_hijo-